
Heto na, nakahiga na rin ako!
Sa wakas!, masaya ko ng nailalapat
sa malambot na kama ang katawan ko
Napawi na rin ang mga sakit ng libingan na nakagapos sa akin
Malaya na ko!
Asul ang langit, tahimik ang paligid
Maraming tao sa labas.
Pero bakit sila naka-itim at puti?
